Tatlo ang patay kabilang na ang dalawang menor de edad at isang driver habang isa naman ang sugatan sa naganap na pamamaril sa loob ng isang bus sa Western Kosovo na sakop ng Southeast Europe.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, isang hindi pa nakikilalang suspek ang pumasok at nagpaputok ng automatic rifle sa loob ng bus kung saan, sakay nito ang walong mga kabataan.
Ayon kay Prime Minister Albin Kurti, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang alamin kung sino ang salarin na gumawa ng krimen upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga biktima.
Sa ngayon tinitingnan pa ng mga otoridad kung miyembro ng terorista ang responsable sa pamamaril. —sa panulat ni Angelica Doctolero