Tatlo ang patay, makaraang pagbabarilin ng mga naka-bonnet na salarin sa isang bahay sa Barangay Inayawan, Cebu City.
Kinilala ang mga biktimang sina Jake Bas, 26-anyos; Ernie Sales, 39-anyos at Mark Pepito Aventurado, 16-anyos.
Ayon sa Cebu City Police, naganap ang insidente sa bahay ni Sales, na nagsilbing drug den at lugar kung saan nagsasagawa ng mga transaksyon ang mga drug dealer.
Maaari ring ginantihan lamang ang mga biktima ng mga karibal na grupo lalo’t sangkot ang grupo ni Bas sa ilang serye ng pamamaril sa inayawan.
Batay sa imbestigasyon, madalas tawagan si Bas ng ilang nakakulong na drug personalities kung may ipatutumbang pusher na hindi nakapag-remit ng pera. —sa panulat ni Drew Nacino