Tatlo (3) ang patay matapos araruhin ng isang pampasaherong bus ang isang UV Express at mga pasaherong nag-aabang ng masasakyan sa Commonwealth Avenue, Quezon City kaninang umaga.
Dead on the spot ang 22-anyos na si John Michael Mallari, taga-San Fernando, Pampanga na nag-aabang lamang noon ng masasakyan nang siya ay masagasaan ng A. Prado Bus na may plate number UVP 625.
Idineklara namang dead on arrival sa Fairview General Hospital si Christine San Felipe na 6 na buwang buntis.
Nasawi rin ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Agad naman sumuko sa police station ang driver ng bus na si Mark Joey Isidera ng Bagong Silang, Caloocan City.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Commonwealth General Hospital ang mga nasugatan na karamihan ay mga nag-aabang na pasahero.
By Meann Tanbio