Patay ang 3 katao matapos araruhin ng isang sasakyan sa lungsod ng Graz sa Austria.
Ayon sa mga opisyal, isang 26-anyos na lalaki ang suspek na ginamit ang kanyang sasakyan para sadyang sagasaan ang grupo ng mga tao sa lansangan.
Nabatid na hindi kadalasang pinapayagan ang mga sasakyan sa lugar na pook-pasyalan ng mga tao.
Kabilang sa nasawi ang isang bata, habang nasa 34 ang mga sugatan.
Naaresto na ng mga otoridad ang suspek na isang Austrian citizen na mayroong lahing Serbian.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek pero inalis na ang anggulong terorismo.
By Mariboy Ysibido