Patay ang tatlo (3) katao matapos madaganan ng isang 10-wheeler truck ang isang pampasaherong van sa Lopez, Quezon.
Batay sa ulat, binabaybay ng truck ang kahabaan ng Lopez diversion road nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito dahilan para tumagilid ang truck at madaganan ang naturang van.
Lulan ng van ang apat (4) na pasahero na hindi pa natutukoy ang mga pagkakakilanlan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente.