Nasawi ang tatlong katao matapos sumalpok ang SUV sa isang motorsiklo sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Kinilala ang biktimang sina James Buted, 63-anyos na sakay ng tricycle at mag-lolang sina Dese Laureta, 65-anyos at Irish Clemente, 14.
Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, nag-overtake umano ang driver ng SUV at nabangga ang nakahintong motorsiklo.
Samantala, ligtas naman ang driver ng SUV na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla