Patay ang tatlong lalaki matapos na makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isinagawang checkpoint sa bayan ng Parang Maguindanao.
Ito ay sa gitna pa rin ng ipinatutupad na election gun ban.
Batay sa kanilang record , sinabi ni Police Chief Superintendent Ibrahim Jambiran ng Parang PNP, na sangkot ang tatlong di pinangalanang lalaki sa kalakaran ng illegal na droga at miyembro ang mga ito ng isang gun – for – hire group.
Narekober galing sa mga suspek ang dalawang 45 na kalibre ng pistol at mga bala.
Samantala , arestado naman ang CAFGU na si Shielvert Polpol Onido sa Zamboanga Del Sur at ang security guard na si Peter Gumabil Andaloy sa Zamboanga del Norte dahil pa rin sa paglabag sa election gun ban.
Nakuha sa mga suspek ang kalibre trenta’y otso na revolver at mga bala ng baril.