Patay ang 3 katao habang 3 iba pa ang naaresto sa anti-drugs operation sa Cainta, Rizal.
Kinilala ni Supt. Marlon Gnilo, Hepe ng Cainta Police Station, ang isa sa mga nasawi na si Navy Reservist Jojo Prado, residente ng sitio Bagong Silang, barangay San Juan.
Ayon kay Gnilo, sasalakayin na nila ang bahay ni Parado bitbit ang search Warrant nang paulanan sila ng bala ng suspek.
Nadakip sa isinagawang raid ang live-in partner ni Parado na si Arlene Templo.
Kinumpirma ni Templo na sangkot si Parado sa drugs trade at nagmamay-ari rin ito ng baril.
By: Meann Tanbio