Patay ang tatlo katao kabilang ang isang sundalo sa naganap na engkwentro sa pagitan ng militar at mga miyembro ng NPA o New People’s Army sa Sitio Sarug, barangay San Isidro, Agusan del Norte.
Naisugod pa sa Cabadbaran District Hospital sina Sgt. Marlon Balais, scout leader ng batalyon; Jerson Beto, isang grade 11 student; at Pepito Tiambong, isang small-scale miner, pero idineklara rin na dead on arrival.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsasagawa ng combat operations ang 29th infantry battalion ng Philippine Army nang makasagupa ang ilang miyembro ng NPA na tumagal ng tatlong minuto.
By: Meann Tanbio