Patay ang 2 guro at 1 takas na bilanggo sa engkuwentro sa barangay Piraka, Lanao del Norte.
Kinilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Auxilia Sabaduquia at bilanggong si Walid Indie Mandagla.
Ayon kay PNP Regional Spokesperson Police Supt. Gervacio Balmaceda, Jr., nangyari ang engkwentro nang pumalpak ang isinilbing arrest warrant ng Lanao del Norte Provincial Police Safety Company, Police Regional Intelligence Unit at 41st Infantry Batallion ng Philippine Army kay Mandagla.
Sinabi ni Balmaceda na tila nasa ambush position na ang grupo ni Mandagla hindi pa man nakakalapit ang mga otoridad sa lugar.
Naipit naman sa engkuwentro ang dalawang guro at driver nang dumaan ang van na kanilang sinasakyan nang magpalitan ng putok ang magkabilang panig.
By Judith Larino