Patay ang tatlo katao habang apat (4) ang sugatan sa gas leak sa isang hydropower plant sa Bosnia.
Kinumpirma ng mga awtoridad na nagkaroon nga ng gas leak sa loob ng baturang pasilidad.
Pawang mga empleyado ng Una Kostela Hydropower Plant ang mga biktima.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nililinis ang drainage system ng planta nang maganap ang gas leak.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang naturang insidente.
—-