Dalawang US Postal Service employees ang patay matapos ang nangyaring gun attack sa Tennesse Post Office.
Nangyari ang insidente matapos biglang nagpaputok ng baril ang suspek sa East Lamar Carrier Annex sa Memphis kung saan binaril rin ng suspek ang kanyang sarili.
Ayon kay US Postal Inspector Susan Link, isa ring empleyado ng postal ang nasabing suspek.
Samantala, magsasagawa ng karagdagang imbestigasyon ang pulisya sa naturang krimen.