Binigyang diin ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), na hindi umano maituturing na casualty ng bagyong Usman ang tatlong katao na nasawi sa nangyaring landslide sa Barangay San Francisco, Legazpi City.
Sinabi ni APSEMO Chief Dr. Cedric Daep, malayo sa mga lugar na hinagupit ng bagyo ang pinangyarihan ng pagguho at nasa labas pa ito ng diameter ng sama ng panahon.
Sinabi pa ni Daep na hindi naman talaga maiiwasang magkaroon ng pag-ulan sa lungsod ng Legazpi dahil mayroong cloud-buildup sa area ng Bicol noong nakalipas na Biyernes ng gabi.
Paniwala ng APSEMO official, na epekto ng hanging amihan ang insidente at hindi ng bagyong Usman.
Dahil sa nangyaring pagguho na ikinasawi ng tatlong biktima, pinagaaralan na ng ahensya kung ibababa sa 130mm ang threshold ng buhos ng ulan bago magpalikas na mula sa dating 160 mm lalo na at nangyari ang landslide sa naturang barangay sa rainfall amount na 167.6 mm.