Patay ang tatlo katao sa magkakahiwalay na aksidente sa Kalinga at Benguet.
Ayon sa PNP, unang nasawi noong Sabado si Claire Dalupin, 39 anyos kasama ang kaniyang baby na edad anim na buwan matapos mabangga ng SUV, sa kanilang bahay.
Dalawa rin ang nasugatan sa nangyari na kinilalang sina Kristell Gasatan at Beverly Dacumos.
Kasabay nito, nasawi rin sa Benguet ang anim na taong gulang na lalaki na kinilalang si Zendan Oyaan matapos mabangga ng sasakyan.
Naaresto naman ang driver ng sasakyan na kinilalang si Marcial Buyuccan na nahaharap na sa kaso.