Tatlo ang kumpirmadong nasawi matapos masunog ang dalawang palapag na bahay sa Blue Ridge Subdivision sa Quezon City, kaninang 2 a.m..
Isa sa mga biktima ay ang babaeng anak ng may-ari ng bahay na natagpuan sa palikuran sa ikalawang palapag ng bahay.
Habang natagpuan naman ang isa pang biktima malapit sa exit.
Kwento naman ng kasambahay na si Melende Alegre, nagising siya ng isang malakas na pagputok sa bahagi ng kusina ng bahay.
Kanya aniyang ginising ang kasamahan na si Yolanda Sebrano pero sobrang laki na ng apoy at hindi na nila nakayanan pang maapula ng fire extinguisher.
Umabot naman sa ikalawang alarma ang sunog bago maapula pasado 3 a.m..