Tatlo ang naitalang patay sa pagtama ng magnitude 6.1 na lindol sa Osaka, Japan kaninang umaga.
Ayon sa ulat ng NHK ang national broadcasting station ng Japan, patay ang siyam na taong gulang na babae at isang senior citizen matapos na mabagsakan ng pader habang ang isa pang lalaki ay naipit sa bumagsak na bookshelf.
Bukod sa mga nasawi, higit animnapung (60) iba pa ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa mga ospital.
Pansamantalang itinigil ang byahe ng bullet train sa Shinkasen gayundin ang operasyon ng dalawang paliparan sa rehiyon.
Wala namang ipinalabas na tsunami warning sa kabila ng naging pagyanig.
—-