Patay ang 3 indibidwal matapos ang nangyaring pamamaril sa Nebraska, Amerika.
Kinilala ang suspek na si Max Hoskinson, 61 taon gulang na umano’y natanggal sa trabaho sa kumpanyang Agrex.
Inireport naman ng mga opisyal ng nasabing kumpanya na bumalik si Hoskinson dala ang baril at pinaputukan ang 3 katao.
Samantala, namatay din si Hoskinson matapos barilin ng isang empleyado. —sa panulat ni Airiam Sancho