Tatlo ang patay habang isa ang nawawala sa Davao region bunsod ng pagbaha dulot ng malakas na ulang dala ng bagyong Agaton.
Ayon kay Davao De Oro Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head Joseph Rhandy Loy, edad 65 at 67 ang dalawa sa nasawi sa bayan ng Compostela.
Kapwa nalunod anya mga ito habang isang taga-Monkayo ang napaulat na nawawala.
Isinailalim na rin sa State of Calamity ang Davao De Oro matapos maapektuhan ng pagbaha ang nasa 4,600 pamilya.
Tinaya naman sa 100 milyong piso ang halaga ng pinsalang dulot ng bagyo sa sektor ng agrikultura.
Samantala, isang 83 anyos din ang nasawi matapos malunod habang tinangkang iligtas ang kanyang mga alagang hayop sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.