Tatlong indibidwal ang nasawi sa naganap na sunog sa isang bahay sa Schuylkill County, Pennsylvania.
Ayon sa Pennsylvania State Police, namatay ang dalawang bumbero na rumeresponde lamang sa sunog habang isang katawan naman ng lalaki ang natagpuan sa labas ng naturang bahay.
Wala namang inilabas na impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa kung ano ang ikinasawi ng nasabing lalaki.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog.