Patay ang tatlo katao, kabilang ang isang 5-taong gulang na bata sa sunog sa Quezon City matapos na ma-trap sa kani-kanilang mga tahanan.
Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang mga biktima na sina Arsenio Amongo, 80-taong gulang, Josie Camalig at ang batang si John Arciaga.
Mag-a-alas-3:00 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa isang residential-commercial area sa Damong Maliit Barangay Nagkaisang Nayon Novaliches, Quezon City.
Umabot sa ikatlong alarma ang sunog bago ito idineklarang fire out pasado alas-4:30 ng umaga.
Maliban sa walong commercial establishment at tatlong residential unit, nadamay rin sa sunog ang isang SUV.
(Ulat ni Gilbert Perdez)