Patay ang tatlo katao sa sunog sa Maligaya St., Barangay Putik, Quezon City.
Nabatid na isang mag-asawa at dalawang taong gulang nilang anak ang nasawi sa sunog na tumupok sa tirahan ng 12 pamilya.
Ang sunog ay umabot sa ikalawang alarma at tuluyang nakontrol mag-a-alas tres ng madaling araw.
Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng sunog na nagsimula umano sa ikalawang palapag ng isang bahay.