Patay ang tatlo katao sa isang vehicular accident na kinasangkutan ng isang motorsiklo sa bayan ng Macalelon sa lalawigan ng Quezon.
Batay sa report ng pulisya, mabilis ang takbo ng nasabing motorsiklo kaya mabundol nito ang dalawang patawid na biktima dakong alas-11:00 kagabi.
Agad namang isinugod sa ospital sa bayan ng Gumaca ang mga biktima nguni’t namatay din dahil sa mga tinamong mga pinsala.
Kabilang din sa nasawi ang mismong motorider na kinilalang si Medardo Valdez habang kritikal naman ang backride nito na si Lolito Quintana.
Napag-alamang galing sa inuman ang dalawang sakay ng motorsiklo at pauwi na sana sa kanilang mga bahay.
—-