Patay ang tatlo katao habang sugatan ang 23 iba pa matapos na bumangga ang isang bus sa isang truck na naglalaman ng “acetylene gas tanks” sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) sa Concepcion, Tarlac.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing sa emergency lane ang nasabing truck at akmang papasok sa line two para makabwelo ngunit bumangga sa likuran nito ang kasunod na Five Star Bus.
Sa lakas ng banggaan ay tumama ang dalawang sasakyan sa railings ng highways at nahulog sa isang sapa.
Makaraan ang ilang sandali ay sumabog ang “acetylene tanks” dahilan para masunog ang bus kung saan tatlong pasahero nito ang naipit sa loob.
Hindi pa nakikilala sa ngayon ang mga nasunog na bangkay habang dinala naman magkakaibang ospital ang mga nasugatan.
Nahaharap naman sa patung –patong na kaso ang driver ng bus na kinilalang si Rolando Untalan.