Kinumpirma na ni Vice President Jejomar Binay ang tatlong pinagpipilian niyang maging ka-tandem sa 2016 elections.
Kabilang dito, ayon kay Binay sina Senador Gregorio Honasan, Senador Bongbong Marcos at isa pang lalaking personalidad na ayaw pang magpabunyag ng pangalan.
Tiniyak ni Binay na magkakasundo sila ng kaniyang magiging running mate sa paglilingkod sa bayan.
Una nang inihayag ni Binay na posibleng ngayong linggong ito isapubliko nila ang kanilang mga kandidato sa 2016.
By Judith Larino | Allan Francisco