Nasampolan ang tatlong (3) piloto, sa isinagawang random drug at alcohol test ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, ang mga ito ay hindi muna pinabiyahe at pansamantalang kinansela ang kanilang lisensya sa pagka-piloto.
Sinabi ni Apolonio na posibleng mapadalas ang random drug at alcohol tests sa mga flight crew at iba pang airline personnel, matapos lumagda sa isang kasunduan ang CAAP at ang PDEA.
By Katrina Valle | Raoul Esperas (Patrol 45)