Nakauwi na sa bansa ang tatlong Pinay na nabiktima ng human trafficking sa Syria.
Ang hindi pinangalanang mga biktima ay sinalubong ng mga kinatawan ng
Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, Department of Social Welfare and Development, Inter-Agency Council Against Trafficking, Bureau of Immigration at Philippine Coast Guard.
Nabatid tutulungan din ng gobyerno ang mga ito sa pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Anti-Human Trafficking in Persons Act at Migrant Workers Act laban sa kanilang mga recruiters.