Binabantayan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahanap sa labi ng mga babaeng pinatay ng aminadong serial killer sa Cyprus, ilan rito ay mga Pilipina.
Ayon sa DFA, nakahanda silang magbigay ng DNA samples mula sa pamilya ng mga biktima upang matiyak ang pagkakakilanlan ng mga nahukay na labi.
Dalawang Pilipina ang nahukay sa isang abandonadong minahan sa Cyprus.
Isa rito ay 39-year-old at isang 22-year-old na iniulat na nawawala nuon pang nakaraang taon.
Ang suspek ay isang 35-year-old na Green Cypriot Army Officer na umaming pumatay ng pitong babae na nakilala niya sa online dating site.