Inaresto ang tatlong Pilipino ng Hongkong immigration task force officers sa isinagawang territory-wide anti illegal worker operation.
Kasama ang tatlong Pinay sa 11 pang dayuhan na illegal na nagtatrabaho sa iba’t ibang establisyimento sa nasabing bansa.
Dahil dito, nagpaalala muli ang Philippine consulate sa Hongkong sa mga OFWs na sundin ang proseso ng Hongkong government para sa asylum seekers at refugees.
Ang mga lumabag ay maaaring patawan ng multang mahigit P300k at pagkakakulong ng tatlong taon.