Pinasalamatan ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr. Ang mga taong tumulong para mapalaya ang tatlong Pilipinong binihag sa Libya noong Hulyo ng nakaraang taon.
Ayon kay Locsin, nasa maayos nang lagay ang nasabing tatlong Pilipinong manggagawa na pinalaya mga dumukot sa kanilang kasama ang isa pang koreano.
Tumanggi naman si Locsin na idetalye kung papaano nakalaya ang tatlo (3) sabay ng pagpapasalamat sa mga tumulong sa mga ito.
Kagabi inanunsyo ng United Arab Emirates (UAE) Foreign Ministry ang paglaya ng tatlong Filipino engineers at isang South Korean mula sa pagkakabihag ng mga hindi pa natutukoy na mga armadong grupo sa Libya.
Batay sa ulat nakalaya ang mga ito sa tulong ng UAE government at Libyan National Army.
Pinalayang 3 Pinoy engineers na dinukot sa Libya, dumating na ng Pilipinas
Nasa bansa na ang tatlong (3) pinalayang Filipino engineers matapos dukutin ng hindi pa natutukoy na armadong grupo sa Libya noong Hulyo ng nakaraang taon.
Pasado alas-8:40 kaninang umaga nang dumating sa NAIA terminal 2 ang tatlong Pilipino sakay ng Philippine Airlines PR0659 galing Dubai.
Kasama nilang dumating sa bansa si United Arab Emirates (UAE) ambassador Hjayceelyn Quintana. Habang sinalubong naman sila mismo ni Foreign Affairs secretary Teddy Locsin.
Ayon kay Locsin, labis nilang ikinalulugod na maiuwi ng ligtas sa Pilipinas at sa kanilang mga pamilya ang mga nasabing Pinoy.
Patunay aniya itong ginagawa ng ahensiya ang kanilang tungkulin para matiyak na ligtas ang lahat ng mga Pilipinong nasa ibang bansa.
Una nang pinasalamatan ni Locsin ang mga taong tumulong dito para sa pagpapalaya ng tatlong Pinoy engineers.
Kagabi, inanunsyo ng United Arab Emirates foreign ministry ang paglaya ng tatlong Filipino engineers at isang South Korean mula sa mahigit sampung (10) buwang pagkakabihag sa tulong ng Libyan national army.
with report from Raoul Esperas (Patrol 45)