Ipina-deport pabalik ng Pilipinas galing Qatar ang tatlong Overseas Filipino Workers (OFWs) at miyembro ng LGBTQ+ Community.
Ito’y matapos mahuling nakasuot ng make-up ang tatlo sa pampublikong lugar sa Qatar.
Iniulat ang impormasyon ng OWWA-Cenral Luzon na ngayon ay burado na.
Hindi naman pinangalanan ang tatlong Pinoy na ayon sa ulat ay ligtas nang nakabalik sa Pilipinas.
Ang Qatar, bilang isang Muslim country, ay isa sa mga may pinakamahigpit na polisiya laban sa LGBTQ+ Community.
Iligal sa kanilang bansa ang male homosexuality at negatibo ang pananaw sa cross-dressing, kabilang ang pagsusuot ng make-up.