Tatlong Pilipino ang patay sa isang car accident sa eastern province sa Saudi Arabia.
Kinilala ang mga biktimang sina Jose Aninon Tiongco, anak na si Jaj Landez, 10 taon at pinsang si Elsa Buctuan Mijares habang nakaligtas sa aksidente ang asawa ni Jose.
Magbabakasyon sana ang tatlo sa United Arab Emirates nang sumalpok ang kanilang kotse sa isa pang sasakyan sa Al Batha.
Ayon kay Dennis Cabangahan, bayaw ni Jose, magkikita sana sila sa Al Batha bago magtungong Abu Dhabi sa UAE para magbakasyon para sa Eid’l Adha Holidays.
Samantala, ipinabatid na kay Philippine Consul General Imelda Panolong ang naganap na aksidente habang patuloy ang preparasyon para sa pagpapauwi sa mga labi ng mga biktima sa Pilipinas.
By Drew Nacino