Kinasuhan na ang tatlo mula sa 66 na police recruits na nagsumite ng pekeng RT PCR test results sa isinasagawang recruitment sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region.
Dahil sa ginawa ng mga nasabing police recruits ipinabatid ni PNP chief Guillermo Eleazar na disqualified na ang mga ito sa pa a-apply samantalang 45 iba pag police recruits ang patuloy pang iniimbestigahan.
Ayon kay Eleazar umamin ang ilang police applicants na hindi sila sumailalim sa swab test at nagbayad lamang ng P500.00 para makakuha ng pekeng RT-PCR result habang ang iba naman ay sumailalim sa swab test subalit hindi batid na peke ang isnumite nilang RT-PCR result.
Binigyang diin ni Eleazar na dapat magsilbing leksyon sa iba pang aplikante ang nasabing insidente para hindi ma-disqualify.