Nagpahayag ng suporta ang Estados Unidos, Japan at Australia sa Pilipinas kasunod ng ginawang panghaharang at pamomomba ng mga Chinese Coast Guard sa mga barko ng mga pinoy na nasa Ayungin Shoal.
Suportado ng 3 powerhouse nations ang bansa maging ang 2016 arbitral victory nito.
Sa naging pahayag ng Estados Unidos, nananatili silang kaalyado ng Pilipinas sa isyu ng South China Sea.
Dahil dito, nagbabala ang Estados Unidos kung saan, sa ilalim ng Article IV of the 1951 US-Philippines Mutual Defense Treaty, ang isang pag-atake sa Philippine Public Vessels sa South China Sea ay posibleng magtulak sakanila upang tulungan ang Pilipinas.
Sinabi naman ng Japan government na ang pagsunod sa 2016 arbitral award ay mahalaga para sa kapayapaan at kaunlaran ng bawat mga bansa.
Samantala, nagpahayag din ng pag-aalala ang Australia sa naganap na insidente sa pinag-aagawang teritoryo kung saan, binigyang-diin ng Australian government na patuloy silang makikipagtulungan sa Pilipinas ukol sa maritime issues. —sa panulat ni Angelica Doctolero