Hanggang bukas na lang ang pagpapasa ng Statement of Contributions and Expenditure (SOCE).
Ayon sa COMELEC, sina President-elect Bongbong Marcos, Senator Panfilo “Ping” Lacson at Lawyer-Doctor Jose Montemayor pa lamang ang nakapagpasa ng SOCE sa mga tumakbo sa pagka-pangulo.
Sa mga senatorial candidate naman, sina dating PNP chief Guillermo Eleazar, dating Senator Antonio Trillanes, Atty. Chel Diokno at Senator-elect Jinggoy Estrada pa lamang ang nakapagsumite na ng SOCE.
Sa mga political parties, ang nakapagpasa pa lamang ay ang United Nationalist Democratic Organization, Partido Federal ng Pilipinas at pwersa ng masang Pilipino.
34 na party-list groups rin ang nakapagpasa ng SOCE.