Sabay-sabay na ihahain sa iba’t ibang komite sa Kamara ang tatlong panukalang batas.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, ang mga panukalang batas na ito ay ang tungkol sa pagbibigay ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang problema sa trapiko, ang pagsusulong Pederalismo at ang Freedom of Information (FOI).
Sinabi ni Alvarez na agad nilang ire-refer ang mga ito sa iba’t ibang komite upang mailagay na sa kalendaryo at masimulan na ang pagdinig.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)