Itinaas sa yellow alert ang sitwasyon sa tatlong probinsya sa Eastern Visayas na nasa signal number 1 dahil sa bagyong Carina.
Nagdulot na ng pagbaha sa ilang barangay sa Tacloban ang matinding pag-ulang dulot ng bagyo.
Muling pinaalalahanan ng Office of Civil Defense ang mga mangingisda na delikadong pumalaot dahil sa malalaking hampas ng alon gayundin ang mga nakatira sa coastal area at mga malapit na bundok na mag ingat sa posibleng landslide, flashflood at baha dahil sa patuloy na pag-ulan.
Nakaalerto naman ang PDRRMO sa pamamagitan ng mahigpit na monitoring ang lagay ng mga bayan at syudad lalo na sa mga lugar na mabilis na bahain.
By Judith Larino