Tatlong lalawigan sa bansa ang maituturing na very low risk na sa COVID-19.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, kabilang sa mga lugar na ito ay ang Pampanga, Cebu at Davao Del Sur.
Habang ang Metro Manila, Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Negros Occidental at lalawigan ng Rizal ay kabilang naman sa mga lugar na low risk sa COVID-19.
Ibinatay ng OCTA Research Team ang mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa naturang mga lugar mula November 17 hanggang November 23. —sa panulat ni Hya Ludivico