Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) na sibakin na at tuluyang tanggalin sa serbisyo ang tatlong (3) police major na nangikil umano mula sa isang bidder ng 3,000 body cameras.
In the police, the three majors were working on a body camera and they were arguing because of money. What else? Because of corruption. And so I said, fire them, dismiss them,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinilala ang mga ito na sina Police Majors Emerson Sales, Rholly Carggayan, at Angel Beros na miyembro ng Bids and Awards Committee Technical Working Group.
Iniutos din ng pangulo na huwag papasukin ang tatlong opisyal sa Kampo Crame.
Magugunitang napaulat ang pagkaantala ng isang taon ang pagbili ng body camera ng PNP dahil sa panghihingi umano ng tatlong opisyal ng P5-milyon sa isang talunang bidder.
Kasong kriminal at administratibo ang kahaharapin ng tatlong police majors.