Tatlong pulis at ilan pang kasamahan nilang sibilyan ang kinasuhan matapos masangkot sa pagnanakaw sa isang Indonesian national sa Kawit, Cavite.
Kinilala ang mga pulis bilang sina Staff Master Sergeant Mellona, Senior Master Sergeant Quilit Jr. at Corporal Pareja na nakatalaga sa Cavite Provincial Investigation Division.
Sinampahan ang mga suspek ng kasong criminal with robbery in band sa Provincial Prosecutor Office.
Mahaharap din ang mga pulis sa reklamong administratibo bago kasuhan sa pre-evaluation at Regional Internal Affair 4A.
Positibong kinilala ng biktimang si Frendy Apriyanto at ng kanyang anim na tauhan ang mga pulis na suspek.
Batay sa imbestigasyon, kabilang ang tatlong pulis sa pitong armadong lalaking pumasok sa bahay ni Apriyanto sa Grand Centennial Homes, Barangay Magdalo-Potol noong February 13.
Dito, iginapos ng mga suspek ang mga biktima at saka nilimas ang kanilang mga pera at kagamitan.