Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ang tatlong (3) pulis na sangkot sa pagpatay sa anak ni Sariaya Quezon Mayor Marcelo Gayeta at isa pang kasamahan nito.
Ito ay matapos mapatunayang guilty sa dalawang (2) counts ng grave misconduct ang mga pulis na sina Police Colonel Mark Joseph Laygo, Police Corporal Lonald Sumalpong, at Patrolman Robert Legaspi.
Magugunitang napatay ng mga pulis-tayabas ang anak ni Mayor Gayeta na si Christian at kaibigang si Christopher Manalo nang harangin ang sinasakyang ng mga ito sa isang checkpoint noong Marso ng kasalukuyang taon.
Sinasabing scripted ang isinagawang operasyon ng mga nasasangkot na pulis at ipinalabas na nanlaban ang mga biktima kaya napatay ang mga ito.
Samantala, siyam (9) na iba pang pulis na idinadawit sa kaso ang inabswelto naman.