Sugatan ang tatlong pulis matapos tambangan ng nga miyembro ng New Peoples Army (NPA) at masabugan ng Land mine sa Negros Occidental.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, nag iimbestiga ang tatlong pulis ukol sa ulat na may natagpuang bangkay sa lugar pero agad silang hinarang ng nasa 12 mga rebelde.
Agad namang naisugod sa pagamutan ang tatlong pulis na ngayon ay patuloy na nagpapagaling.
Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang naganap na pananambang. —sa panulat ni Angelica Doctolero