Idinepensa ng Department of Health o DOH ang pasya nitong mamahagi ng libreng bakuna laban sa dengue sa tatlong rehiyon lamang sa bansa.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy na kaya sa National Capital Region o NCR, Region 3, at Region 4-A lamang ipamimigay ang anti-dengue vaccine ay dahil ito ang mga lugar na mataas ang bilang ng mga tinatamaan ng nasabing sakit.
Ayon kay Lee Suy, may kakayahan ang naturang bakuna na magbigay ng long-term immunity o pangmatagalang proteksiyon sa sinumang mapagkakalooban nito.
“Yes, kasi with the limited resources na meron tayo kailangan naming i-prioritize yung lugar kung saan siya ibibigay, base sa pag-aaral lumitaw na highly-liable na magkaroon talaga ng mataas na bilang and consistently sila ang nagre-record ng mataas na bilang ay Regions NCR, 4 and 4-A kaya yun ang ipa-proritize natin.” Pahayag ni Lee Suy.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita