Nangunguna ang Davao, Western Visayas at Cordillera sa mga rehiyon na itinuturing na high-risk ng COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health dahil sa naitalang mataas na average daily attack rate o ADAR at intensive care unit o ICU occupancy rate.
Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman, ang nasabing tatlong rehiyon ay may mataas na pitong kaso habang habang ang ICU utilization sa Region 11 ay pumalo na sa 81.41% ; 87.34% naman sa Region 6, at 68.54% sa cordillera.
Sinabi rin ni De Guzman na bumaba na ang covid-19 cases sa NCR Plus o Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal.
Pero ang infections sa ilang bahagi ng Luzon ay bahagyang tumaas habang unti-unti namang bumababa ang kaso sa Visayas at Mindanao.
Samantala, sa Metro Manila, nasa high risk ngayon ang makati at San Juan matapos makapagtala ng mataas na kaso sa nakalipas na dalawang linggo.