Opisyal nang idineklara na insurgency free na ang 3 rehiyon sa bansa.
Ayon kay National Task Force To End Local Communist Armed Conflict Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., kabilang sa 3 rehiyon na ito ang Ilocos, Zamboanga Peninsula at Davao Region.
Una nang inanunsyo kamakailan na deklarado naring insurgency free ang lalawigan ng Surigao Del Norte.
Pahayag pa ni Usec. Torres na tuluyan nang nalansag ng pamahalaan ang mga aktibong guerilla front ng NPA, habang labing isa naman ang naghihingalo o humihina na.
Lima sa NPA Terrorist Group na ito ang mula sa Luzon, 3 sa Visayas at 3 sa Mindanao.
Kamakailan lamang inihayag ni AFP Chief Romeo Brawner Jr.,na target nilang tapusin ang laban kontra insurhensya bago matapos ang 2024 upang mapagtuunan na ng pansin ang pagpapalit ng military priorities mula sa panloob na seguridad tungo sa panlabas na depensa. – sa panunulat ni Jeraline Doinog – mula sa ulat ni Jopel Pelenio ( Patrol 17).