Tatlo lamang sa kada 10 Pilipino ang naniniwalang bumuti ang uri ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan.
Batay ito sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa may 1,440 katao mula March 28 hanggang 31.
Tumaas sa 38 percent ang bilang ng mga Pilipino na nagsasabing bumuti ang kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon mula sa 37 percent nuong December 2018.
Samantala, kalahati ng mga respondents ang positibong gaganda ang kalidad ng buhay sa bansa sa susunod na labing dalawang buwan samantalang apat na porsyento lamang ang negatibo ang pananaw hinggil dito.
Pinuna ng SWS na bahagyang tumaas ang pagiging positibo ng mga pinoy sa class ABC at D subalit bumagsak ng apat na porsyento sa class E.