Tila hati ang pananaw ng mga Pilipino sa kung ano ang magiging takbo ng kanilang pamumuhay sa susunod na taon.
Batay iyan sa resulta ng isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) mula Setyembre 17 hanggang 20.
Lumabas sa survey na 33% ng mga Pilipino ang nagsabing wala silang inaasahang pagbabago sa kanilang buhay.
32% naman ang nagsabing umaasa silang magbabago pa ang takbo ng kanilang buhay habang 30% ang nagsabing lalo pang lalala ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Nabatid na ang naturang survey ay katumbas ng positive 2 net optimism score kumpara sa negative 10 na naitala nila noong buwan ng Hulyo.
Aabot sa 1,249 na adult respondents ang lumahok sa phone at face to face interviews.