Tatlo sa limang kabataang Pilipino ang nakararanas ng sikolohikal na pang-aabuso.
Batay ito sa pag-aaral na isinagawa ng Council for the Welfare of Children (CWC) kasabay ng selebrasyon ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.
Ayon kay Elino Bardillon, pinuno ng CWC Public Affairs and Information, tinututukan nila ngayong buwan ang mental health ng mga kabataan na lumala umano sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nabatid na isinagawa ang pag-aaral bago pa magkaroon ng pandemya kung saan lumabas na maraming bata ay minumura, inaalipusta at nakatatanggap ng negatibong mga salita.
Sa ngayon, para matugunan ang isyu ay naglunsad na ng ‘makabata helpline’ ang CWC para malaban ang karahasan sa mga bata.