Tatlo hanggang limang preso ang namamatay kada araw sa mga bilangguang pinangangasiwaan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa bansa.
Ito ang nilinaw ng BuCor sa gitna ng agam-agam sa sanhi pagkamatay sa New Bilibid Prison, Muntinlupa ng sinasabing middleman sa Percy Lapid slay case.
Ayon kay BuCor spokesman Gabriel Chaclag, natural cause, gaya ng katandaan at sakit ang karaniwang dahilan ng pagkamatay ng mga bilanggo.
Aabot anya sa halos 49K ang Persons Deprived of Liberty ang nasa iba’t ibang prison facilities sa bansa.
Ipinaliwanag din ni Chaclag na kahit naman bago pa magkaroon ng Covid-19 pandemic, hanggang tatlong bilanggo ang namamatay sa BuCor facilities kada araw.
Aminado ang BuCor official na sa katunayan isa sa kanilang problema ang malaking bilang ng mga bangkay ng mga PDL sa mga accredited funeral parlors na walang umaako.