Tatlo sa bawat sampung Pilipino ang hindi naniniwala sa dahilan ng mga pulis na nanlaban ang mga drug suspects kaya’t napapatay ang mga ito.
Batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS, lumalabas na 37 porsyento ng mga Pinoy ang naniniwalang nagsisinungaling ang mga pulis, 45 porsyento ang undecided habang 17 porsyento ang naniniwalang nagsasabi ng totoo ang mga pulis.
Dahil dito lalabas na nasa negative 20 ang net opinion ng mga Pinoy sa usapin ng katapatan ng mga pulis.
Ang naturang survey ay isinagawa noong Setyembre 23-27 sa 1,500 respondents.
—-