Tatlo sa bawat limang Pilipino o katumbas ng 66 percent ang sang-ayon sa naging ruling ng Korte Suprema na nagbibigay kalayaan kay Senador Grace Poe na tumakbong presidente sa 2016 elections.
Ito ay base sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sa isinagawang survey ng SWS mula March 8 hanggang 11 sa may 1,200 validated voters, lumitaw na 15 percent sa mga respondents ang nagsabing tutol sila sa naging desisyon ng Supreme Court.
Nasa 16 percent naman ang undecided, habang 4 na porsyento ang nagsabing hindi nila alam ang sagot.
By Meann Tanbio